Naiintindihan Ko Kung Hindi Mo Ako Maintindihan

Image

Tinawanan mo ako kagabi nang sabihin ko sa’yong susulat akong muli ng mga tula. Sabi mo pa tungkol nalang sana sa pagkain, o mga aklat, o di kaya’y mga palabas. Hindi kita masisi kung hindi sa ganito mo ako nakilala.

Noong naging tayo kasi dumalang ang dalaw ng mga akda. Hindi naman sa walang gana o natuyo ang pluma; at lalong hindi dahil sa’yo ay kulang ang paghanga. Sadyang kay hirap lang talagang sumulat kapag mas masaya.

Nauunahan ng bumubulusok na tuwa ang indak nitong panulat. Nauubos ang oras sa pananaginip nang mulat. Umiinog ang mga araw at gabing papel ay natitiwangwang. Hindi sa hindi ako nakabol, bagkus ako pa nga’y kapit na nakasabay.

Kaya’t naiintindihan ko kung hindi mo ako maintindihan. Kasalanan ko na sa parte kong ito ay di ka sanay. Kaya nga inuunti-unti ko na muling simulan. Nagbabakasakaling makuha mo din ang diwa kong alay sa’yo, balang araw.


3 Comments on “Naiintindihan Ko Kung Hindi Mo Ako Maintindihan”

  1. missgeeks says:

    Makukuha din yan!

  2. brendamaged says:

    Naalala ko ate huling post mo noon yung picture ninyo sa Disneyland yata yun.. Alam na?! hehe

  3. Bogart says:

    Tama! Makukuha din yan! 🙂


Leave a comment